tissue paper

my thoughts, anywhere, anytime

0 notes

A Night with D5

Indeed, true friends do not forget each other despite time, distance, and priorities.

I am lucky to have d5.

Today, we spent the night together and brought back memories when we were younger. It was a no holds barred conversation ranging from love to sex. All in the name of fun reminiscences.

Sometimes, I wish things did not change among us— that we never grew old and led separate lives. Knowing them and being with them brought out the best in myself. And for that, I am forever thankful.

Right now, I wish the friendships I have with other people may develop into what I have with d5— genuine, understanding, two-folds.

0 notes

From Bida to Extra

Sabi nga nila, walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Isa ito sa mga bagay na paulit-ulit na nating naririnig pero hirap intindihin.

Sabagay, hirap kasi tumanggap ng pagbabago ne? Lalu na kung di maganda ang dulot nito.

Isa na siguro sa mga pinakamahirap tanggapin ay ang pagbabago ng tao.

Yung dati, close kayo, ngayon strangers na. Yung dati, sanggang-dikit kayo, ngayon hanggang casual greetings na lang.

Yung tila dati importante ka, tapos biglaan o kaya paunti-unti ay di ka na pansin, di na kakilala, di na mahalaga.

Boom Sakit!

Kung baga sa showbiz, dati ikaw ang bida. Pero ngayon isa ka na lang dakilang extra.

Yung tipong dati, masaya ka na ikaw yung pinagsasabihan ng anuman— problema, sikreto, kwento. Pero ngayon, para ka na lang hangin. Nandian nga pero wala ng alam sa mga nangyayari.

Yung tipong dati, masaya ka na ikaw ang nilalapitan pag may problema, maliit man o malaking bagay, ang advice mo ay kailangan. Pero ngayon, naku, lalapitan ka na lang siguro pag mangungutang sayo.

Yung tipong sa lahat ng lakad, gusto kang kasama. Pero ngayon, kahit na pilit na imbitasyon, wala.

Sa mga ganitong pagkakataon, di natin maiiwasang magdamdam, magtampo. Aba, tao lang po!

Pero wala ka naman magagawa kundi tanggapin. Dahil tulad nga ng nabanggit na, lahat nagbabago, pati tao.

Siguro, maging masaya ka na lang dahil sabi nga ng Eraserheads, minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.

Wag ng magalala kung di ka na sikat, di na kilala, o di na trending. Enjoy lang dahil di ba nga, every moment counts?

Filed under friendship minsan buhay pinoy life blogger